Gatas ni Nanay: Para sa Matibay na Pangangatawan
(This is my official entry for the poem composition contest
last July 2011 for the Nutrition Month Celebration in our school.)
Ang gatas
ni Nanay
Ang pulso
ng buhay
Sa mga
musmos nagpapalakas,
Sa “IQ
points” nagpapatalas.
Sapat na
nutrisyon ay matutugunan
Upang
maangkin ang maayos na pangangatawan
Nahuhubog
ang buong pagkatao
Katawa’y
sintibay ng kamao.
Iba’t
ibang sakit, sa paligid nagkalat
Masusustansyang
pagkain gawin nating kaakibat
Talas,
liksi, talino’t karunungan
Sa malusog
na tao’y natatanging katangian.
Yaman din
lamang na animo’y ginto ang gatas ni inay
Ito’y
gawin nating sa kalusuga’y tulay
Upang
katawa’y maging matibay, matatag
Hindi ba’t
ang kalusugang ating pinanghahawakan
Ay yamang
puno ng liwanag?
Picture Source: http://www.google.com.ph/imgres?um=1&hl=fil&sa=N&biw=1366&bih=601&tbm=isch&tbnid=qDEeJOZc4YewzM:&imgrefurl=http://asprinkleofsage.wordpress.com/2011/03/01/whats-your-nutrition-resolution/&docid=A7_6TlqWohgAfM&imgurl=http://asprinkleofsage.files.wordpress.com/2011/03/eatright4.jpg&w=640&h=514&ei=HTS7T_m1LJH2mAWJ0dDCCQ&zoom=1&iact=hc&vpx=879&vpy=141&dur=1800&hovh=201&hovw=251&tx=139&ty=103&sig=102776205864695934026&page=1&tbnh=124&tbnw=156&start=0&ndsp=21&ved=1t:429,r:5,s:0,i:77
No comments:
Post a Comment