Ok, hmm ulan agad ang sumalubong sa araw ko (Disyembre 4, 2012). Hindi ko rin naman malalaman na may bagyo kung 'di dahil sa mama ko. Gumising ako ng maaga dahil nga naman 07:00am ang pasok ko. Wow! Ang aga ko palang dumating sa unibersidad, wala pang tao.
Napansin ko naman ang paglakas ng ulan sa labas ng building. May malakas na hangin, malakas na ulan. Nagtaka din naman ako nang mapansin kong konti lang ang pumasok. Dito ko naramdaman na baka kinansela ang pasok.
Ilang sandali't dumating ang kaklase ko na basang-basa sa ulan. Naghintay kami. Naghintay kami sa wala. Naramdaman namin ang hagupit ni bagyong Pablo dito sa Davao kahit na signal #2 lamang ito. Syempre, hindi kami sanay kasi hindi rin naman dinadaanan ng bagyo ang Davao. Biruin mo, mahigit 40 years na pala mula noong huling nanalasa ang isang bagyo sa Davao.
Ilang oras din kaming naghintay bago opisyal na kinansela ang pasok sa unibersidad na pinapasukan ko. At nadatnan namin sa labas ang mga sanga ng kahoy na nahulog matapos ang malakas na hangin. Kahit na ganun', well, picture-picture muna. Minsan lang mangyari 'to. :)
Photo Credit: Mia Marcelle Salo (valnelable.tumblr.com)
Tuesday, December 4, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)