HIRAM
Wala ng mas gaganda pa sa kalikasan
Sa atin ito'y isang natatanging kayamanan
Binibigay lahat ng ating kailangan
Upang kaginhawaan sa buhay ay ating maranasan.
Ngunit sa isang iglap, kalikasa'y unti-unting nasisira
Mga puno sa kabundukan, halos wala ng natititra
Magagandang tanawin, bukas marahil ay 'di na makikita
Dahil napalitan na ng mga establisyimentong magagara.
Sunod-sunod na kalamidad, 'di na matatakasan
Galit ng kalikasan ay hindi na mapipigilan.
May magagawa pa kaya tayo upang ito ay masolusyunan?
May magagawa pa ba tayo upang maibalik ang ganda ng nakaraan?
Oo, tayo'y marami pang magagawa
Kung loob nati'y pursigido't nakahanda
Kahit simpleng paraan ay nagiging mahalaga
Upang sa hinaharap ay may masisilayan pa.
Huwag nating hintaying kalikasan sa ati'y tuluyang magdamdam
Gumawa ng paraan para sa kasaganaang inaasam
Hindi ba't matagal na nating alam
Na ang mundong ito ay sa mga anak natin hiniram?
Picture Source: http://www.google.com.ph/imgres?q=Nature&hl=tl&biw=1024&bih=607&gbv=2&tbm=isch&tbnid=HXRetLYAVtaiFM:&imgrefurl=http://www.imagegossips.com/2011/01/nature-beauty/&docid=hitjspe_Rl01eM&imgurl=http://www.imagegossips.com/wp-content/uploads/2011/01/nature3.jpg&w=1024&h=768&ei=eBNLT9PbL-eTiAfMzsiZDg&zoom=1&iact=hc&vpx=429&vpy=101&dur=832&hovh=194&hovw=259&tx=123&ty=79&sig=103342274529544170336&page=2&tbnh=128&tbnw=155&start=15&ndsp=20&ved=1t:429,r:12,s:15
No comments:
Post a Comment