Social Icons

Pages

Saturday, December 13, 2014

Paglaya

'Sang linggong binata,
'Sang linggong nawala.
Animo'y nakapiit,
Nais kumawala ng pilit.

Pagsapit  ng gabi'y anong lamig
Nanunuot sa mga binti't bisig.
Mga mata'y pilit ipinipikit
Kahit wari'y 'di makatulog sa sakit.

'Di ba't malakas ako?
'Di ba't lahat ng bagay ay kinakaya ko?
Kaya't naisipang lumaban
Kahit magkaano pa man.

Ngayon, ako'y nakalaya na
'Di nanaising bumalik pa
Sa hawlang minsang nagkait
At nagparanas ng sakit at pait.
 

Sample Text